PINAG-usapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at 1 Rider Party-list ang mga detalye ng ipatutupad na exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ito ay pinangunahan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at mga kinatawan ng 1 Rider Party-list na sina Cong. Rodge Gutierrez at Cong. Bonifacio Bosita.
Sa nasabing pagpupulong, napag-usapan ang paglalagay ng angkop na distansya ng exclusive motorcycle lane, mga signages, at road markings.
Matatandaan na inaprubahan ng Metro Manila Council noong nakaraang taon ang pag-iimplementa ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue upang mabawasan ang mga aksidente na sangkot ang mga motorcycle riders.