Anak ng mga artista at basketball player, makikiisa sa pagpapabakuna kontra COVID-19 ng MMDA

Anak ng mga artista at basketball player, makikiisa sa pagpapabakuna kontra COVID-19 ng MMDA

PANGUNGUNAHAN ngayong araw ng mga celebrity mom and dads, ilang basketball players, at mga anak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) personnel ang COVID-19 vaccine para sa mga batang may edad 5 hanggang 11.

Sa pagbabakuna ng mga bata, may registration ng mga magulang, isang short counseling kung saan ipapaliwanag sa bata ang bakuna at mga benepisyo nito.

Mayroon ding play ground area habang naghihintay ng oras ng pagbabakuna.

Matapos ang counseling oobserbahan ang mga bata kung handa na ito na tumanggap ng bakuna.

Kapag may go-signal na ay saka dederetso ang bata sa mismong bakunahan.

Kapansin-pansin na iba-ibang gimik ang ginagawa sa mga vaccination site para mahikayat ang mga bata na magpabakuna.

Ang ilan, may pelikulang pinapalabas sa waiting area, mayroon ding libreng pagkain.

Mayroong tila costume party, birthday party, animal kingdom, superheroes, at marami pang iba

Nilinaw ng MMDA na bukas ang kanilang pediatric vaccination site sa walk-ins na interesadong tumanggap ng bakuna.

Dapat tandaan, ayon sa guidelines ng Department of Health (DOH), bukod sa informed consent ng magulang, kailangan ang pag-oo ng batang edad 7 hanggang 11 sa pamamagitan ng verbal o signed consent bago magbakuna.

Follow SMNI NEWS on Twitter