Anak ni DOJ Sec. Remulla, arestado matapos mahulihan ng P1.3-M halaga ng marijuana

Anak ni DOJ Sec. Remulla, arestado matapos mahulihan ng P1.3-M halaga ng marijuana

ARESTADO ang anak ni Justice Secretary Boying Remulla sa Controlled Delivery Operation sa Las Piñas City noong Martes, Oktubre 11.

Kinumpirma mismo ni Sec. Remulla na ang kanyang panganay na anak na si Juanito Jose Diaz Remulla III ay naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa inilabas na pahayag ni Remulla, siniguro nito na hindi niya gagamitin ang kanyang posisyon upang mangialam at impluwensyahan ang kaso ng kanyang anak.

Inaresto si Juanito Remulla ng mga tauhan ng NAIA Drug Interdiction Task Group at PDEA matapos mapag-alamang may lamang kush o high grade marijuana ang parcel na nakapangalan sa kanya at nagkakahalaga ng P1.3-M.

Follow SMNI NEWS in Twitter