Andrew Wiggins ng Golden State Warriors, magbabalik na sa court

Andrew Wiggins ng Golden State Warriors, magbabalik na sa court

MAGBABALIK na sa paglalaro si Andrew Wiggins ng Golden State Warriors matapos ang 2 buwan.

Sa pagbabalik ni Wiggins ay makakalaban ng Warriors ang Sacramento Kings para sa 1st-round playoff series ngayong Abril 15, 2023.

Ayon sa ulat, ‘family matter’ ang dahilan kung bakit nagpahinga muna sa paglalaro si Wiggins simula noong Pebrero 13.

Sa kabilang banda, si Wiggins ay may average na 17.1 points at 5.0 rebounds ngayong NBA season.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter