Anti-communist groups, nagdaos ng rally at nanawagang pauwiin ng Pilipinas si Joma Sison

Anti-communist groups, nagdaos ng rally at nanawagang pauwiin ng Pilipinas si Joma Sison

MULING nanawagan ang mga anti-communist group sa Dutch Government laban kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na nagtatago sa The Netherlands nang mahigit 34 na taon na ang nakalipas, na ito ay pauwiin at panagutin.

Nagmartsa ang League of Parents of the Philippines at Liga Independencia Pilipinas patungo sa tanggapan sa embahada ng Netherlands sa Makati City at nagsagawa ng kilos protesta.

Ipinanawagan ng mga ito sa Dutch government na itigil na ang pagkanlong kay Sison sa loob nang halos apat ng dekada ang nakalilipas.

Anila, ang Netherlands ay naging isang “ligtas na kanlungan” para kay Sison at iba pang mga pinuno ng CTG na ipagpatuloy ang pagpaplano ng kanilang kalupitan sa mga lugar na pinasok ng NPA sa Pilipinas.

Hiling nila sa Dutch government na pauwiin na ang CPP Founder sa Pilipinas at panagutin sa mga krimen at mga hindi makataong gawain ng teroristang grupo na CPP-NPA-NDF laban sa Pilipinas.

Iginiit nila na dapat harapin ni Sison ang mga sandamakmak nitong kasong human rights violation sa bansa.

Naniniwala sila na ang termination sa asylum status ni Sison ay maaaring mahinto na ang pag-atake ng armadong grupo ng CPP ang New People’s Army (NPA) sa mga inosenteng Pilipino.

Naniniwala ang mga nasabing grupo na ang Netherlands na isang makataong bansa ay naloko lang ni Joma Sison at ng kanyang mga kasabwat.

Umaasa ang mga ito na sa pamamagitan ng kanilang kilos-protesta ay makarating sa Dutch Government ang kanilang hinaing.

Ikinagagalit ng mga grupo kung paano natatamasa ni Joma Sison ang kanyang proteksyon at ang pagiging asylum mula sa pamahalaang Dutch mula pa noong 1987 habang nakikipaglaban laban sa gobyerno ng Pilipinas.

Kaya patuloy ang panawagan ng League of Parents of the Philippines at Liga Independencia Pilipinas na pauwiin at panagutin na si Joma Sison.

(BASAHIN: Effigy ni Joma Sison, sinunog ng mga pabor sa Anti-Terrorism Law)

SMNI NEWS