NAGSAGAWA ng isang roadshow ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) na ginanap sa Dagupan City.
Ang nabanggit na aktibidad ay dinaluhan ng mga representante mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno, government owned and controlled corporations, mga lokal na pamahalaan at mga state universities at colleges sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay ARTA Director General, Secretary Ernesto Perez na layon nilang iparamdam ang presensiya ng ARTA sa Northern Luzon at upang palakasin ang ugnayan nito sa kanilang stakeholders.
Layon din ng nabanggit na roadshow na mas mapabuti pa ang implementasyon ng Republic Act 11032 o mas kilala sa tawag na Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 sa bawat rehiyon dito sa bansa.
Sa pamamagitan ng mga programa ng ARTA bilang suporta sa derektiba at panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa whole-of-nation approach para sa maayos na government service delivery.