ASF vaccination, pinalawig pa ng DA

ASF vaccination, pinalawig pa ng DA

PINALAWIG ng Department of Agriculture (DA) hanggang sa malalaking commercial farms ang controlled vaccination laban sa African Swine Fever (ASF).

Para sa commercial farm na nais makilahok sa vaccination, sinabi ng ahensiya na magsumite ang mga ito ng letter of intent sa kanilang regional offices.

Bilang tugon na rin anila ito sa mababang participation rate ng maliliit na commercial farms sa gitna ng usap-usapang hindi epektibo ang mga bakuna para sa kanilang alagang baboy.

Samantala, ngayong taon ay target ng DA na makabili at makapag-distribute ng hanggang 600k ASF vaccines mula sa kanilang Vietnamese supplier.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble