INIULAT ng Department of Agriculture (DA) na makikita nilang epektibo ang African Swine Fever (ASF) vaccine na Avac Live Vaccine mula Vietnam.
Sa pahayag ni DA Asec. Arnel de Mesa, kung ikukumpara ang datos ng mga namatay at mga naging malusog, hindi pa aniya aabot ng 1 percent ang mga nasawing baboy.
Sa kasalukuyan, nasa 33,552 vaccine doses na ang naiturok sa mga baboy hanggang Marso 28.
Karamihan sa mga naturukang baboy ay mula sa Region III at IV-A.
Sa kabilang banda, iniulat na rin ni De Mesa ang bahagyang pagtaas ng mga lugar na apektado ng ASF.
Hanggang Marso 28, nasa 42 na mga barangay ang may aktibong kaso ng ASF mula sa 39 noong Marso 14.
Follow SMNI News on Rumble