Atty. Harry Roque, may mensahe laban sa mga kritiko ni DOJ Sec. Remulla

Atty. Harry Roque, may mensahe laban sa mga kritiko ni DOJ Sec. Remulla

PINAG-iingat ni dating Presidential Spokesman Harry Roque ang mga nagbibitaw ng masasama at maaanghang na salita laban kay Justice Secretary Boying Remulla.

Ayon kay Roque, batid niyang napakasakit ng pinagdaraanan ng pamilyang Remulla at hindi rin maiaalis na nagkamali talaga ang anak nito.

Gayunpaman, ibinahagi ni Roque na kilalang-kilala nito ang pagkatao ni Secretary Remulla at malinaw na hindi  kunsintidor ng anak ang kalihim.

Giit ng dating Palace spokesman, wala naman aniyang perpektong pamilya at puwede ring mangyari ito sa ibang tao.

Kaya naman, apela ni Atty. Roque sa mga kritiko, tigilan na ang pamumuna dahil naniniwala ito sa karma.

Follow SMNI NEWS in Twitter