Atty. Mans Carpio, personal na ikinampanya ang asawang si Mayor Sara sa North Cotabato

Atty. Mans Carpio, personal na ikinampanya ang asawang si Mayor Sara sa North Cotabato

NANGAMPANYA si Atty. Manases “Mans” Carpio sa mga taga Carmen, North Cotabato para sa kanyang asawa na si VP candidate Mayor Sara Duterte at sa UniTeam.

Ito ang unang beses na sinamahan ni Mans Carpio si Mayor Sara sa pangangampanya, kasama rin niya ang dalawa nilang anak na si Stingray at Stonefish.

Sa pagharap nito sa grand rally ng grupo, hiniling nito sa mga residente na suportahan at iboto sa darating na election ang tambalang BBM-Sara.

Aniya, kailangan ng bayan ang UniTeam dahil sa hangarin na mapagkaisa ang mga Pilipino.

Dagdag pa nito na kung palarin ang tambalan ay magiging iisa na lamang ang kulay ng bansa, kulay puti aniya na simbolo ng pagkakaisa.

Samantala ito ang unang beses na magkasamang nangampanya si Bongbong Marcos at Mayor Sara sa Mindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter