IKINAGULAT ni Atty. Roque ang pagtanggal kay Dating Pangulo at Cong. Gloria Makapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker.
Ang ipinagtataka lamang ni Atty. Roque kung bakit hinayaan ni Speaker Martin Romualdez na ma-demote si Congw. Arroyo na kilalang malapit na kaalyado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Sa katunayan nga aniya sa lahat ng biyahe ni Pangulong Marcos sa labas ng ating bansa makikitang kasama nito si Dating Pangulong Arroyo.
At ang tawag pa nga aniya ni Pangulong Marcos kay Arroyo ay isang secret weapon pagdating sa panlabas na relasyon ng Pilipinas.
Isa sa mga posibleng dahilan na nakikita dito ni Atty. Roque ay maaaring may kaugnayan sa palitan ng speaker.
PBBM, malayong palitan si Rep. Romualdez bilang speaker ng Kamara—Atty. Roque
Pero kung ikukumpara ito sa administrasyong Marcos ay malayo umano itong mangyari lalo na isang malapit na pinsan nito ang nakaupong speaker ngayon.
Dagdag pa ni Atty. Roque hindi siya naniniwalang balak ni Dating PGMA na palitan si Speaker Romualdez.
Maaaring fake news lamang ang mga usap-usapang kudeta sa Kamara.
Atty. Panelo, ‘di naniniwalang pinalitan si Ex-PGMA para mabawasan ang kaniyang trabaho bilang senior deputy speaker
Samantala, hindi naman naniniwala si Atty. Panelo na pinalitan si Arroyo para mabawasan ang bigat ng kaniyang trabaho bilang senior deputy speaker.
Noong Miyerkules, binoto ng mga mambabatas si Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr. bilang bagong senior deputy speaker kapalit ni Congw. Arroyo.