Atty. Torreon iginiit na maling interpretasyon ang naging batayan ng pag-aresto kay Duterte

Atty. Torreon iginiit na maling interpretasyon ang naging batayan ng pag-aresto kay Duterte

MULING iginiit ni Atty. Israelito Torreon na isang diffusion request, at hindi Red Notice, ang natanggap ng gobyernong Marcos Jr. mula sa International Criminal Court (ICC).

Matapos suriin ang dokumentong ipinakita ng Philippine Center on Transnational Crime (PCTC), lumalabas na isang simpleng email message lamang ang ginamit bilang batayan sa pag-aresto kay Duterte.

“Yung pumunta ‘yung head ng PCTC ang ipinapakita, hindi nga natin napicturan ngayon. After review, parang email message lang—it turned out to be a mere diffusion notice,” paliwanag ni Atty. Israelito Torreon.

Dagdag pa niya, ang diffusion notice ay isang simpleng request o alerto mula sa isang bansa na hindi pa dumaan sa masusing beripikasyon o review ng INTERPOL.

Samantalang ang Red Notice ay isang opisyal na abiso mula sa Interpol General Secretariat para sa pansamantalang pag-aresto base sa isang balidong warrant of arrest.

“Para lang maintindihan ng ating mga kababayan, informal pa ‘yan, hindi pa yan dumaan ng formal review ng General Secretariat ng Interpol,” aniya.

Iginiit din ni Torreon na hindi dumaan sa tamang validation ang naturang diffusion notice at maaaring may kinalaman ito sa mga isyung pampulitika.

“Itong diffusion is not subject to prior verification or validation by Interpol being circulated …regarding political, military, or religious racial issues,” aniya.

Giit niya, mahalagang maipaliwanag ito sa publiko—lalo na sa mga opisyal na nanguna sa operasyon ng pag-aresto—upang maunawaan ang mga posibleng pananagutan sa kanilang naging hakbang.

May mensahe rin si Torreon para kay Gen. Torre, na nanguna sa pag-aresto kay Duterte, patungkol sa patuloy nitong pagsunod sa mga utos ng nakatataas.

“So sana i-consider din niya yan kasi at the end of the day all of us will subject to reckoning …and the only permanent thing in this world is change,” aniya pa.

Ang usapin tungkol sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte ay hindi lamang simpleng isyu ng batas—ito ay isang hamon sa ating sistema ng hustisya, sa ugnayan ng Pilipinas sa mga pandaigdigang institusyon, at sa pananagutan ng mga opisyal na nasa likod ng aksiyon.

Sa huli, hindi sapat ang pagsunod lamang—dapat tiyakin na tama at makatarungan ang bawat hakbang, lalo na kung nakataya ang soberanya ng bansa at ang tiwala ng mamamayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble