Australian Prime Minister, bibisita sa Pilipinas sa susunod na buwan

Australian Prime Minister, bibisita sa Pilipinas sa susunod na buwan

IKINAGAGALAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tanggapin si Australian Prime Minister Anthony Albanese para sa kaniyang nalalapit na opisyal na pagbisita sa Pilipinas.

Ito ang inilathala ng Presidential Communication Office (PCO) nitong Biyernes, Agosto 18.

Ayon sa PCO, ang official visit ay naka-iskedyul mula Setyembre 7-8, 2023, na nagmamarka ng isang makabuluhang milestone bilang unang pagbisita ng isang punong ministro ng Australia mula noong 2003.

Kasunod ito ng isang serye ng high-level engagements sa unang bahagi ng taong ito sa pagitan ng Pilipinas at Australia, na binibigyang-diin ang shared commitment ng dalawang bansa na isulong ang trajectory ng kanilang multifaceted partnership.

Ang Pilipinas at Australia ay nagbabahagi ng mayamang kasaysayan ng pagkakaibigan at pagtutulungan na lumakas pa sa loob ng ilang dekada.

Inaasahan naman na ang nakatakdang pagpupulong ng Pangulo kay Prime Minister Albanese sa Setyembre 8 ay magpapatibay sa partnership na ito.

Maghahatid ito sa isang mas malapit na kooperasyon sa mga pangunahing sektor tulad ng depensa at seguridad, kalakalan, economic development, at maritime affairs.

Follow SMNI NEWS on Twitter