Australian singer na si Sia, ibinulgar na may ‘Autism Spectrum’

Australian singer na si Sia, ibinulgar na may ‘Autism Spectrum’

IBINULGAR sa unang pagkakataon ng Australian singer na si Sia na may sakit siyang Autism Spectrum.

Sa isang panayam, sinabi ng 47-years old singer na dinadala niya ang katotohanang ito sa loob ng 45 taon.

Wala naman aniyang dapat ikabahala dahil nasa recovery state na siya.

Ang Autism Spectrum Disorder (ASD) ayon sa mga eksperto ay nakaaapekto sa pakikitungo ng isang tao sa iba.

Ang mga tao na may ASD ay nahihirapang makipag-communicate at makipag-interact nang maayos.

May kakaiba rin itong paraan para matuto at gumagalaw.

Samantala, sinabi ni Sia na mainam na ipinaalam niya na ito sa publiko upang hindi na siya mamuhay na may tinatagong sekreto.

Sikat si Sia sa kantang “Chandelier”.

Follow SMNI NEWS in Twitter