Autism awareness at iba pang adbokasiya, isusulong ni Miss Universe PH Michelle Dee

Autism awareness at iba pang adbokasiya, isusulong ni Miss Universe PH Michelle Dee

IBINAHAGI ni newly crowned Miss Universe Philippines (MUP) Michelle Dee sa isang social media Q&A ang mga adbokasiyang isinusulong nito bilang kinatawan ng bansa sa international pageant.

Kabilang sa mga adbokasiya na ibinahagi ni Dee ang autism awareness, mental health awareness, adoption, women empowerment, children rights at LGBTQA plus community.

Matatandaan na nang manalo sa MUP ay ibinahagi ni Dee ang kaniyang buhay bilang may dalawang kapatid na lalaki na may autism spectrum disorder.

Muling iginiit ni Dee na dapat magkaroon ng sapat na suporta ang gobyerno sa mga kababayang may kapansanan mula sa edukasyon hanggang sa pangangalagang pangkalusugan ng mga ito.

Umani naman ng magandang reaksiyon sa netizens ang pagiging vocal ni Dee sa kaniyang mga adbokasiya.

Si Dee na anak ni Miss International 1979 Melanie Marquez ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe na isasagawa sa El Salvador ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter