Ayuda at pa-concert, strategy ng Marcos admin para maging bulag sa kahirapan ang mga Pilipino ayon sa isang propesor

Ayuda at pa-concert, strategy ng Marcos admin para maging bulag sa kahirapan ang mga Pilipino ayon sa isang propesor

IDINADAAN umano ng kasalukuyang gobyerno sa pa-ayuda at pa-concert para maging bulag sa kahirapan sa bansa ang mga Pilipino ayon kay Prof. Anna Malindog-Uy.

Mataas na bilihin, mataas na presyo ng bigas, kuryente at tubig. ‘Yan ay ilan lamang sa mga problema ng bansa sa ilalim ng Marcos administration.

Pero tila umano karamihan sa mga Pilipino ay nananatiling bulag sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Ayon kay Professor Anna Malindog- Uy, gaya ng Roman Empire, ay idinadaan ng Marcos admin sa tinapay at entertainment ang mga Pilipino kung saan ang tinapay ay inihahalintulad nito sa ayuda habang sa entertainment ay ang ginagawang pa-concert ng gobyerno para maging manhid sa kahirapan ang mga dukha sa bansa.

“Ano ba ang equivalent sa bread ngayon? Ayuda.  Ayuda nang ayuda. Pamimigay ng ayuda na akala mo naman walang katapusan at ang pera ng bayan ay infinite. And another equivalent to that, ‘Yong entertainment naman ay is ‘yong concert, concert, parang ini-stage about like for an example ang “Bagong Pilipinas” sa Mindanao, there was a concert, with all na artista and all, na para bang inentertain mo ang masa para ‘yong masa hindi maisip na sandali, naghihirap pala ako. Ganun na ganun during the history of the Roman Empire and parang may parallelism na nangyayari. ‘Yan ‘yong strategy e, para mabulag, hindi makaramdam,” ayon kay Prof. Anna Malindog-Uy.

Ang pagpapakita ng first couple ng mga larawan na magkasama at kumakain sa restaurants ay bahagi rin aniya ng strategy ng Marcos admin para idaan lamang sa pagpapa-cute at aliw ang mga gutom na Pilipino.

“Magpapa-shots sila na they are dating and they will put it in social media as if… its entertainment kasi for other people, for the Filipinos na, ay ang cute, ay ang ano nila, loving-loving, wow. Entertainment ‘yan eh, pero not all Filipino will buy that. Most Filipinos with thinking mind, thinking Filipinos will not buy that because that is insensitivity. Because they are very sweet, they are in a nice restaurant, in fine dining, pero kami, hindi kami kumakain ng tatlong beses sa isang araw kasi hirap na hirap kami sa buhay,” giit pa ni Malindog-Uy.

OA na pagsalakay ng PNP forces sa KOJC religious compounds, projection of power ayon sa isang propesor

Ang isa pang problema ngayon ayon kay Malindog-Uy ay ang pagmamalabis ng gobyerno sa kapangyarihan nito tulad ng nangyaring paglusob at paglapastangan ng PNP forces sa iba’t ibang religious compounds ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.

Tinawag nitong OA at “projection of power” ang pagde-deploy ng ganun karaming puwersa ng PNP para lusubin ang compounds na wala namang record ng kaguluhan para hanapin ang isang Pastor na hindi naman kilalang bayolenteng tao.

“It’s just saying na kapag kami ang crinitize niyo, kami ang binanatan niyo, ito ang mangyayari sa inyo. Look what happened to Pastor Apollo Quiboloy, beware. Ganoon ang message niyon.  Because that is really an overkill,” saad ni Malindog-Uy.

‘Active and responsible citizenship’, isinusulong ng isang propesor sa gitna ng mahahalagang issue laban sa Marcos admin

Ayon kay Malindog-Uy, dapat lahat ng Pilipino ay makialam na sa nangyayari ngayon sa bansa.

Ayon pa sa kaniya, dapat na magkaroon ng active at responsible citizenship kung saan ang mga Pilipino ay handang punahin ang mga maling gawi ng mga nakaupong politiko.

“Lahat ng nangyayari sa kahit anong ginagawa ng gobyerno will impact to all Filipinos, kung hindi ka makikialam kahit alam mo kung ano ang nangyayari, alam mo nang hindi maganda ang nangyayari wala ka pa ring ginagawa, bystander ka pa rin, walang mangyayari sa bayan mo. Kasi hinahayaan mo ang mali over sa tama. Ang sinasabi ko lagi, Filipino should exercise what you call responsible and active citizenship. Isang active citizenship ay nakikialam ka sa mga nangyayari sa bansa mo at hindi ka takot, kung may nakikita kang hindi magandang nangyayari o ginagawa ng mga government official. That is your right and that is a responsibility as a citizen,” saad pa nito.

Kaya nga aniya maganda at mahalaga ang ginagawa ngayon ng Maisug Peace Rally kung saan nagkakaroon na ng boses ang lahat ng sektor ng lipunan tulad ng mga katutubo, mangingisda, manggagawa at iba pa.

Umaasa siyang magkakaroon ng Maisug Peace Rally sa lahat ng panig sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa kung saan may mga Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter