ARESTADO ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang umano’y babaeng swindler na nambiktima ng mga kasamahan sa isang grupo.
Kinilala ni PNP-ACG director Police Brigadier General Joel Doria ang suspek na si Rachel Buenaventura.
Si Buenaventura ay inireklamo ng kanyang mga nabiktima na inalok umano niya ng trabaho sa Japan kapalit ng 10,000 pisong processing fee.
Nagbayad umano ang mga biktima dahil sa magandang alok na trabaho ng suspek tulad ng waiter/waitress, driver at cashier.
Sasampahan ang suspek ng paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.