PINATUTUTUKAN ngayon ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan ang paghabol sa mastermind ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
At ang huhuli aniya sa ulo ng krimen ay ang money flow sa hired gunmen.
Saad ni Libanan, dapat sundan ng PNP ang pera o ang money transfer transactions lalo na’t idinaan sa bangko ang pagbabayad sa mga pumatay kay Lapid.
Sa ganitong paraan ani Libanan ay mati-trace kung sino ang may-ari ng account na naghulog ng pera sa gunman.
“The authorities should follow the money. An examination of the money transfers may well lead to the mastermind,” giit ni Libanan na isang abogado.
Nauna nang sinabi ng self-confessed gunman na si Joel Escorial na may “middleman” silang kausap sa loob ng Bilibid para patayin ang biktima.
Inamin din nito na P550,000 ang ibiniyad sa kanila para patumbahin si Lapid.