Bago City, Negros Occ, gumawa ng mga modern nipa hut para sa mga biktima ng Bulkang Kanlaon

Bago City, Negros Occ, gumawa ng mga modern nipa hut para sa mga biktima ng Bulkang Kanlaon

GUMAWA ang Bago City Government sa Negros Occidental ng 14 na mga modern nipa hut para sa ilang pamilya na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon.

Matatagpuan ito sa Brgy. Napoles, Bago City.

Sa katunayan, nasa 50 ang plano nilang itayo na mga modern nipa hut.

Target naman ng city government na makumpleto nila ang naturang proyekto sa ikalawa o ikatlong linggo ng buwan ng Pebrero 2025.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter