US Refugee Admissions Program, isususpinde na ni Trump

US Refugee Admissions Program, isususpinde na ni Trump

IPINANAWAGAN ng mga Afghan ngayon kay U.S. President Donald Trump na huwag silang isama sa kautusang pagpapasuspinde ng relokasyon ng refugees papuntang Estados Unidos.

Ang mga Afghan na tinutukoy ay ang mga tumakas mula sa kasalukuyang pamamahala ng militant movement na Taliban.

Apela nila ito kasunod sa inanunsiyo ni Trump na isususpinde ng tatlong buwan simula ngayong Enero 27 ang U.S. Refugee Admissions Program.

Sa naturang suspensiyon, pag-aaralan at magbibigay ang homeland security katuwang ang secretary of state ng isang report kung interes o prayoridad nga ba ng Estados Unidos ang naturang programa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter