HINDI suportado ng Department of National Defense (DND) ang panawagang ibalik ang kasunduan sa pagitan ng ahensiya at ng University of the Philippines (UP).
Ang kasunduan na kilala bilang UP-DND Accord ay nagsimula noong 1989 subalit hininto ito ng DND noong 2021.
Sa naturang kasunduan, kinakailangan pa ng pahintulot mula sa paaralan para makapagsagawa ng operasyon ang mga police at military personnel sa loob ng UP campuses.
Binigyang-diin ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. na hindi niya susuportahan ang panawagang isabatas ito.
Kung matatandaan, isinusulong ni Sen. Joel Villanueva na maisabatas ang kasunduan.
Aniya, bakit ang UP lang ang may ganitong uri ng kasunduan sa pagitan ng DND na marami naman aniyang mga pampublikong paaralan din sa bansa.
Kung sakaling maisabatas at pirmahan ng Pangulo ng bansa ay nilinaw niyang suportahan niya ito.