Bagong hepe ng LTO Region 7, target na maipamahagi ang kalahating milyong plaka ngayong taon

Bagong hepe ng LTO Region 7, target na maipamahagi ang kalahating milyong plaka ngayong taon

BILANG pagtalima sa derektiba ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, determinado ang LTO 7 na maipamamahagi ngayong taong 2023 ang mga assigned/issued plate number na hindi pa nakukuha ng mga may-ari sa boung rehiyon.

As of July 6, umabot sa 528,772 na mga nailabas na mga plaka ng ahensiya para sa mga motorsiklo at 71,564 para sa mga motor vehicles ang hindi pa nakukuha hanggang ngayon.

Ito ang sinabi ni LTO 7 OIC Regional Director Glen Galario nang ito ay humarap sa Cebu media sa unang pagkakataon.

Para mapabilis ang pag di-distribute, makikipag-ugnayan ang LTO derekta na sa mga dealers. At ang mga dealers na ang siyang magbibigay sa mga may-ari.

Kabilang din sa kampanya ng LTO 7 sa lederato ni Galario ang road safety “road safety. “When you say road safety as much as possible, we don’t want any casualties from accidents. Within the roads of Region 7. I know it’s very impossible but with the help of the course of LTO and other agencies, we can lessen the eventualities of accidents.”

Ani Galario, mahigit isang milyong mga motor vehicles at motorcycles ang dumadaan sa pangunahing lansangan ng rehiyon at 60% lang umano nito ang rehistrado at dumaan sa road safety inspection.

Ibig sabihin 30-40% sa mga ito ay hindi rehistrato o di kaya wala lisensiya o expired na ang mga ito.

Ayon kay LTO OIC Glen Galario, Regional Director, hindi nito palalagpasin ang mga abusadong motorista, mga lumalabag sa batas trapiko at zero tolerance ang opisyal sa mga non-compliant na dealers at operators. At mas paiigtingin pa nito ang kampanya laban sa mga colorum at oplan Esnabero, sa taxi drivers na namimili ng mga pasahero.

“Our operations division is on top of this campaign as we continue to strictly implement this drive to eliminate any kinds of illegal activities present on our roads, especially the colorums. I have instructed them to do random roadside inspections to catch these culprits.”

Paniniguro pa ni RD Galario na ipagpapatuloy niya ang libreng theoretical driving course (TDC) sa rehiyon dahil marami ang nakikinabang ditong mga mahihirap na hindi kayang mag-enroll sa mga driving school.

Follow SMNI NEWS in Twitter