PINANGUNAHAN ni Department of Health (DOH ) OIC Maria Rosario Vergeire, kasama sina Senators Christopher Lawrence “Bong” Go at Emmanuel Joel Villanueva ang inagurasyon ng Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan.
Sinabi ng DOH na ang naturang general hospital ay magkakaloob ng medical services hindi lamang sa mga taga-Bocaue, Bulacan, kundi kabilang din dito ang mga pasyente mula sa Central Luzon at ilang kalapit na rehiyon.
Available din aniya sa naturang ospital ang medical and nursing services at admission ng mga simpleng kaso at nag-aalok din ng iba pang ng medical services tulad ng laboratory, radiology, pharmacy, nutrition and dietary, at social services.
Samantala ang nasabing ospital ay ia-upgrade mula Level 1 Hospital at iisyuhan ng lisensya para maging Level 2 Hospital batay sa nakasaad sa Republic Act 11720.
Kapag na-upgrade ang lisensya ay magkakaroon na aniya ito ng intensive care unit, pediatrics, obstetrics, gynecology, surgery, mga fully equipped laboratories, at karagdagang mga hospital beds.