Bagong kalihim ng DepEd, ibabahagi ni PBBM bago ang Hulyo

Bagong kalihim ng DepEd, ibabahagi ni PBBM bago ang Hulyo

IBABAHAGI na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd) bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Kasunod ito sa pagbitiw sa puwesto ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi dapat maiwan ang DepEd na walang mamumuno dahil isa rin ito sa importanteng ahensiya ng pamahalaan.

Nitong Hunyo 19 nang magbitiw si VP Sara bilang kalihim ng DepEd at Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang resignation ay epektibo sa Hulyo 19, 2024.

Kaugnay nito ay may mga bali-balita na sina Sen. Sonny Angara, Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo, at Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Alfredo Pascual ang sinasabing ikinokonsidera para umupo bilang DepEd secretary.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter