Barko ng PCG, nagtamo ng malaking sira matapos banggain ng China Coast Guard

Barko ng PCG, nagtamo ng malaking sira matapos banggain ng China Coast Guard

NAGTAMO ng malaking pinsala ang BRP Bagacay (MRRV-4410) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411) ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na banggain umano ng China Coast Guard nitong madaling araw ng Lunes Agosto 19, 2024.

Ayon sa Coast Guard, patungon Patag at Lawak Island ang 2 PCG vessel nang mangyari ang pagha-harass ng China at binangga ang mga barko ng Pilipinas.

Sa likod ng insidente, nagpatuloy pa rin ang PCG vessels sa paghatid ng mga suplay sa mga nakaistasyon na personnel nito sa Patah at Lawak Island.

Agad ring kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea ang pangyayari kasabay ng panawagan sa International Community na maiwasan ang mga ganitong pangyayari sa ilalim ng isinasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble