Barko ng PH Navy sa Scarborough Shoal, hindi nagpatinag sa radio challenge ng China

Barko ng PH Navy sa Scarborough Shoal, hindi nagpatinag sa radio challenge ng China

BINAWI ni AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. ang kaniyang naunang pahayag na walang barko ng Philippine Navy sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng ulat na itinaboy umano ng Chinese Coast Guard ang naturang barko bagay na itinanggi ni Brawner.

Sinabi ni Brawner na isa lamang propaganda ng China ang nasabing ulat.

Ayon kay Brawner, hindi huminto o nag-iba ng direksiyon ang barko at nagpatuloy sa kanilang maritime patrol sa kabila ng radio challenge ng China.

Lubha rin aniyang malayo ang distansiya sa pagitan ng barko ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard.

Nanindigan si Brawner na hinding-hindi sila papayag na paalisin ang barko ng Pilipinas dahil mandato nila na protektahan ang ating Exclusive Economic Zone (EEZ).

Follow SMNI NEWS on Twitter