Batas na magpoprotekta sa mga kabataan sa internet, nilagdaan ng DOJ at DSWD

Batas na magpoprotekta sa mga kabataan sa internet, nilagdaan ng DOJ at DSWD

PIRMADO na ng Department of Justice (DOJ) at ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) ang implementing rules and regulations ng Republic Act 11930 o ang batas na magbibigay proteksiyon laban sa mga pang-aabuso sa kabataan sa internet.

Kaugnay nito’y umaasa si Justice Secretary Crispin Remulla na makikiisa ang lahat para masigurong ligtas ang internet sa mga kabataan.

Tiniyak naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na gagawin ng kanilang ahensiya ang lahat ng kinakailangang hakbang para maipatupad ang rules and regulation ng batas.

Ang anti-online sexual abuse and exploitation of children ay isang proyekto ng Marcos administration kung saan magtutulong- tulong ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para masugpo ang mga gumagamit ng bata para sa kanilang sexual activities sa internet.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter