BALIK-eskwela ang actress-screen writer at direktor na si Bela Padilla, at this time ay sa isang prestihiyosong drama school sa London— ang Royal Academy of Dramatic Art (RADA).
Sa Instagram post ng aktres, marami siyang natutunan sa unang araw pa lang ng klase sa acting at filmmaking.
Si Bela ay naka-base ngayon sa United Kingdom.
Kabilang sa mga proyektong isinulat ni Bela ay ang “10,000 Hours”, “Luck” at “Fight Sight”, “Last Night” at ang “‘Yung Libro sa Napanood Ko”.
Ang sikat na RADA naman ay isa sa pinakamatandang drama school sa UK na itinatag pa noong 1904.
Kabilang sa mga sikat na alumni ng RADA ay sina Richard Attenborough, Ralph Fiennes, Eva Gray, Tom Hiddleston, Vivien Leigh, Alan Rickman, Gemma Jones, Diana Rigg at marami pang iba.