Belgica pinuna ang mga iregularidad sa pag-aresto kay FPRRD

Belgica pinuna ang mga iregularidad sa pag-aresto kay FPRRD

BINATIKOS ng Former Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman ng Duterte administration, Greco Belgica, ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Belgica, nilabag ng mga awtoridad ang mga patakaran at batas sa isinagawang pag-aresto kay Duterte. Ipinunto niyang ang mga pulis, tulad ni CIDG Gen. Torre, ay walang karapatan na manghuli ng isang tao base sa ICC warrant nang walang kaukulang proseso sa korte.

“Ipinagdiinan ni Belgica na ang NBI at hindi ang PNP ang may karapatan sa mga operasyon ukol sa INTERPOL sa bansa. Dapat dumaan sa korte ang ICC warrant bago ito ipatupad,” wika ni Greco Belgica, Former Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman ng Duterte Administration.

Dahil sa mga iregularidad sa pag-aresto kay Duterte, nagbabala si Belgica na mahaharap sa maraming kaso ang mga opisyal na sangkot dito, kasama na si Gen. Torre.

Binatikos din ni Belgica ang hindi pagpapaliwanag sa mga kasong isinampa laban kay Duterte, isang malinaw na paglabag sa karapatan ng dating Pangulo.

Hinihinala ni Belgica na ang pagtanggi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ipagtanggol ang gobyerno sa kasong habeas corpus ay isang uri ng “admission” ng pagkakamali sa pag-aresto.

Pinuna rin ni Belgica ang paggamit ng PNP sa halip na NBI sa operasyon, isang indikasyon ng mga iregularidad sa proseso ng pag-aresto.

Idinagdag pa ni Belgica na patuloy ang mga protesta ng mga Pilipino at ng pandaigdigang komunidad laban sa umano’y paglabag sa karapatan ni dating Pangulong Duterte.

Pinalakas ni Belgica ang kaniyang pahayag sa pagtulong ni Duterte sa pamamagitan ng isang legal team na binubuo at karamihan sa mga abogado nito ay banyaga na may karanasan sa ICC.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble