UMANI ng suporta sa mga Pinoy sa buong mundo ang 16-day KOJC Siege o ang marahas na dinaranas na pagsalakay at pagkubkub ng mga pulis sa mapayapang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound sa Davao City.
Iyan ay para isilbi ang arrest warrant laban kay KOJC.
Mula sa isang simpleng buhay sa Lubao, Pampanga lumipat sa Davao City sa Mindanao para makahanap ng tahimik na lugar na pagsasakahan.
Iyan ang storya ng pamilya ni Pastor Apollo C. Quiboloy, spiritual leader ng KOJC na isa sa malalakas na senatorial aspirant sa 2025 midterm elections.
Pero, ang kaniyang gawaing spiritual sa KOJC na may 7 milyong tagasuporta ay nabalam dahil sa mga hamon ngayon sa Butihing Pastor.
Biktima si Pastor Apollo ng matinding political persecution ng Marcos Jr. administration.
Hindi biro para sa isang pangkaraniwang tao ang pinagdadanaan ngayon ni Pastor Apollo na nasa detention facility.
Ayon sa dating chairman ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na si Greco Belgica, walang pinagkaiba ang sitwasyon ni Pastor Apollo sa maraming Pilipino na sumisigaw ng hustisya.
“Ang nakita natin, inabuso sa buhay at sa pagkatao ni Pastor Quiboloy. Ini-refile at binuksan ulit ang kasong patay na dinismissed na. Pinasok ang isang religious compound ng walang tamang warrant—walang tamang search warrant,” pahayag ni Greco Belgica, Former Anti-Corruption Commission Chairman (PACC).
Ani Belgica, malinaw na politika dahil kilala si Pastor Apollo na malapit kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kilala rin ito na supporter ni Vice President Sara Duterte na gustong ipa-impeach sa ilalim ng Marcos Jr. administration.
Bago ang lahat ng panggigipit, magkasabay sina PRRD at Pastor ACQ sa isang television program kung saan hayagang binatikos ng dating Presidente ang mga polisiya ng kasalukuyang pamahalaan.
“Na kung kaya nga gawin sa isang taong kilala, makapangyarihan, or kinikilala eh ‘di lalong kaya sa ating gawin ‘yan kahit sino sa atin na walang kakayanang magsalita o lumabas sa media, gumastos, papaano pa?” giit ni Belgica.
Ipinunto ng dating opisyal na marami sa mga nakakulong ngayon ay inosente at biktima lamang ng inhustisya.
Mayorya ay umaasa sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO) na tambak din ang hinahawakang kaso sa buong bansa.
Ani Belgica, nawa’y sumalamin ang masa sa pinagdadaanan ngayon ni Pastor Apollo na walang ginawa kundi maghayag ng katotohanan sa kasalukuyang estado ng bansa sa kamay ni Marcos Jr.
Na mula sa rurok ng paglilingkod ay kinulong, pinagkaitan ng kalayaan, at biktima ng matinding paninira.
Subalit nanatiling matatag at mag-aalay ng buhay para pumasok sa pamahalaan upang patunayan na posible pa rin pala na hindi maging corrupt sa Senado.
Belgica sa publiko: Maaring danasin nating lahat ang panggigipit ng pamahalaan kay Pastor Apollo
“‘Yang nangyayari kay Pastor ngayon pwedeng mangyari sa ating lahat yan. Simpleng tao lang ‘yan eh, ministro lang ‘yan na lumaki nang lumaki ang ministro dahil sa pagpapala ng Diyos.”
“Paano tayo? Paano ‘yung milyong-milyong Pilipino na wala namang kakayanan na ipagtanggol ang kanilang sarili. Wala silang SMNI kagaya nito, wala sila followers, wala silang political clout and influence pero kinagalitan lang ng pamahalaan dahil kinokontro’ ang mga maling, sa palagay niya ay maling ginagawa ng pamahalaan. Kalayaan po natin yan eh,” saad nito.