NAGHAHANDA na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa posibleng epekto ng pagtama ng El Niño sa sektor ng pangisdaan.
Sa isang pahayag, sinabi ni BFAR National Director Demosthenes Escoto na mahigpit nilang binabantayan ang suplay ng lokal na isda sa gitna matinding init ng panahon.
Sa kasalukuyan, wala silang nakikitang problema sa suplay ng isda sa merkado.
Pero, malaking hamon aniya ang pag-aalaga ng bangus at tilapia tuwing panahon ng tag-init.
Ang pagkatuyo ng water level ay magpapahina sa dissolved oxygen na kailangan sa maayos na paninirahan ng naturang land based aqua culture species.
Ngunit, tiniyak naman ni Escoto na nakahanda na ang BFAR sa pagpapatupad ng aqua culture practice para maiwasan ang insidente ng fish kill sa fish cages.
Sa ngayon ay tuluy-tuloy na pagpatutupad ng awareness and information campaign at monitoring.