BFP, mananatiling naka-red alert hanggang sa Bagong Taon

BFP, mananatiling naka-red alert hanggang sa Bagong Taon

MANANATILING naka-red alert ang Bureau of Fire Protection (BFP) hanggang sa Bagong Taon o Enero 1, 2024.

Ito ay bilang bahagi ng precautionary measures at operational readiness ng ahensiya ngayong holiday season.

Bukas din ang linya ng kanilang komunikasyon para sa anumang mga tawag o pangyayaring ipapaabot sa BFP.

24/7 ding alerto ang mga fire truck at lahat ng kagamitang pangresponde sa lahat ng istasyon nito sa bansa.

Upang maiwasan ang hindi magandang insidente ngayong Bagong Taon, lagi namang nagpapaalala ang BFP na maging maingat sa paggamit ng paputok at sundin ang itinalagang “community fireworks display area”.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter