Luneta Park at Manila Zoo, dagsa ng mga sinusulit ang long Christmas weekend

Luneta Park at Manila Zoo, dagsa ng mga sinusulit ang long Christmas weekend

DAGSA ang ilang mga kilalang pasyalan sa Metro Manila ng mga nais sulitin ang huling araw ng long Christmas weekend.

Naabutan ng SMNI News Team ang isang pamilyang masayang nagbobonding sa Luneta Park.

Bumiyahe pa sila mula Surigao City.

Dito sa Maynila naisipan nilang sulitin ang long Christmas weekend.

“We’ve been looking forward na mabisita ang Rizal Park,” ayon kay Jenylou Madelo-Verga, Namasyal sa Luneta Park.

“So far so good kasi hindi siya traffic. Oh my God. Sana ganito lage. Tapos ‘yung papunta dito ilang minutes lang,” ayon naman kay Jenylou Madelo-Verga, Namasyal sa Luneta Park.

Dagsa ang Luneta Park ng mga pamilya at magkakaibigan nitong Martes ng umaga.

Ang ilan naglatag ng kani-kanilang mga picnic mat at nag-enjoy sa mga baong pagkain.

Ang iba naman ay nawiling mag-bike at mag-jogging.

Pinili rin ng ilan na dito mag-date.

At siyempre, hindi mawawala ang picture taking.

Kahit bahagyang masama ang panahon, hindi rin nagpapigil ang ilang pamilya at magkakaibigan na tumungo sa Manila Zoo.

Mahaba ang pila ng mga nais masilayan ang iba’t ibang hayop.

Pinagkaguluhan ng mga namasyal sa zoo ang white bengal tiger, buwaya, at iba pang hayop.

“Gusto ng mga bata dito daw sa Manila Zoo,” wika ni Imelda Gumanit, Namasyal sa Manila Zoo.

“Ito tuwang-tuwa. Ito tuwang-tuwa siya. Tuwang-tuwa ka?” wika ni Imelda Gumanit, Namasyal sa Manila Zoo.

“Okay naman po. Ang ganda. Nag-eenjoy naman po,” saad ni Kenneth Gumanit, Namasyal sa Manila Zoo.

Pero may ibang nadismayang malaman na wala na pala ang elepanteng si Mali.

“Sayang si Mali. Hindi na naabutan,” ayon kay Abigail Ocon, Namasyal sa Manila Zoo.

Ilang pamilya, namasyal sa dolomite beach sa huling araw ng long Christmas weekend

Ang ilan pinili namang magbonding sa dolomite beach sa Manila Bay.

Tulad ni Mary Joy na dinala ang kaniyang anak at na-enjoy ang pagtampisaw sa tubig.

“Kasi po hindi pa po siya nakapag-beach. At tsaka parang beach na rin,” wika ni Mary Joy Fulo, Namasyal sa dolomite beach.

“Dinaan na rin namin kasi galing pa kaming Cavite eh,” ayon kay Mary Joy Fulo, Namasyal sa dolomite beach.

Dito rin pinili ng ilan na mamasyal matapos ipagdiwang ang Pasko sa kanilang mga bahay.

“Kasi kahapon nasa bahay lang kami. Bali ngayon ‘yung aming pinakagala,” ayon kay Rainel Verges, Namasyal sa dolomite beach.

Libre at walang entrance fee ang dolomite beach.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble