UMABOT sa 16k runners ang nakiisa sa inilunsad na BIDA Bayanihan ng mamamayan Fun Run at Serbisyo Caravan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, sama-samang nakikiisa ang mga ahensya ng pamahalaan katuwang ang iba’t ibang sektor ng lipunan sa iisang layunin na putulin ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa partikular sa demand reduction nito.
Sinabayan din ni Abalos ang mga BIDA runners sa pagtakbo ng 10 kilometro habang ang iba ay tumakbo naman ng lima at tatlong kilometro sa nasabing fun run.
Dumalo sa fun run at naghayag ng suporta ang ilang ahensiya ng pamahalaan gaya ng National Youth Commission, Sangguniang Kabataan, Philippine National Police Academy, Philippine Public Safety College at mga kinatawan mula sa faith-based organizations at pribadong sector.
Aniya, ayon sa huling datos ng dangerous drugs board, mayroong 1.8 milyon Pilipino ang gumgamit ng iligal na droga at 4.8 milyon naman ang sumubok gumamit nito.