PINANGUNAHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paglulunsad ng anti-illegal drugs advocacy program na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) nito sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Umabot sa 4K runners ang nakiisa sa 4-kilometer “BIDA Run sa Bagong Polomolok 2023” na layong bigyan ng kaalaman ang publiko sa pag-iwas sa impluwensiya ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga aktibidad ng pamahalaan.
Ayon kay DILG Undersecretary Margarita Gutierrez, inaasahan nila na hindi magtatagal ay makukuha rin ng bansa ang drug-free Philippines ayon sa nais ng Marcos administration.