Pinalawig ng Department of Transportation (DOTr) hanggang Enero 2027 ang deadline ng pagsusumite ng bids para sa pagmi-maintain at operasyon ng NSCR o North-South Commuter Railway.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, pinayagan ang hiling ng dalawang Japanese company na bigyan pa ng panahon ang paghahanda ng kanilang bid.
Aabot sa 229.3-bilyong piso ang kontrata para sa operasyon ng 147-kilometrong railway na magdudugtong sa Clark, Pampanga at Calamba, Laguna.
Target na magbukas ang bahagyang operasyon nito sa Disyembre 2027, habang inaasahang ganap na mapapakinabangan ang linya sa 2032.
