Napondohang pabahay, umabot sa 78,410 ngayong taon—DHSUD

Napondohang pabahay, umabot sa 78,410 ngayong taon—DHSUD

Iniulat ito sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng gobyerno.

Nagkakahalaga ang buong pabahay ng ₱127.44 bilyon.

Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), 15 porsiyento ang itinaas nito sa bilang ng mga bahay at 20 porsiyento sa inilabas na pautang kumpara noong nakaraang taon.

Namahagi rin ang pamahalaan ng 5,683 titulo ng lupa sa mga benepisyaryo mula Enero hanggang Nobyembre, lampas na sa kabuuang naipamahagi noong mga nakaraang taon.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, patuloy na palalawakin ng pamahalaan ang housing program upang mas maraming pamilyang Pilipino ang magkaroon ng ligtas, maayos at abot-kayang tahanan.

Follow SMNI NEWS in Twitter