Hindi na kailangang magbayad ng buwanang PhilHealth contribution ang mga kwalipikadong empleyado na solo parent at persons with disabilities (PWD).
Ayon sa PhilHealth, ituturing silang indirect contributors sa ilalim ng National Health Insurance Program.
Para makakuha ng exemption, kailangang i-update ang kanilang PhilHealth records sa pamamagitan ng pagsusumite ng Member Registration Form, kasama ang kopya ng kanilang solo parent ID o PWD ID.
Pinayuhan din ng PhilHealth ang mga miyembro na magparehistro sa YAKAP o Yaman ng Kalusugan Program upang makinabang sa libreng konsultasyon at laboratory services sa mga accredited health facility.
Ang exemption ay sinimulan na noong Oktubre 2026.
