BUMABA nitong Marso ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho batay sa resulta.
Bumaba sa 4.7% ang unemployment rate sa Pilipinas nitong Marso, batay sa resulta ng Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Bahagya itong mababa mula sa 4.8% nitong Pebrero.
Katumbas ng 4.7% ng 2.42 milyong Pilipino na walang trabaho sa 51 milyon na nasa labor force.
Paliwanag ni National Statistician and Undersecretary Dennis Mapa, ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay dahil sa mas lalo pang pagbubukas ng ekonomiya.
“We have the opening up of the economy. You have… in the past months naman we see an increase consumer consumption, that’s why the private firms are hiring based on the March data,” ayon kay Usec. Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General.
Mga Pilipinong may trabaho nitong Marso, nadagdagan ng 1.61-M
Nadagdagan ng 1.61 milyong Pilipino ang bilang na may trabaho nitong Marso ngayong taon.
Pero sa mga bagong nagtratrabaho, isang milyon lang ang maituturing na may ‘good’ o ‘high quality job,’ ayon kay Mapa.
“’Yung 1.61 milyon na yun as I’ve mentioned, hindi lahat yun masasabi nating good or high quality jobs. 1 milyon lang ang masasabi natin doon kasi mayroon pa tayong mga 425,000 na unpaid family workers. So ito ‘yung isa sa kailangan nating i-improve pa na sub-sector. Kasi unpaid family workers compare sa mga wages and salaries, talagang wala silang fixed wages. Nagdedepend lang sila sa mga allowances,” ani Usec. Mapa.
Pinakamaraming employed ang nasa service sector na nasa 59% na sinundan ng agriculture at industry sectors.
Ilan sa mga industriya na may mataas na increase sa employment ay ang transportation and storage, accommodation and food service activities, wholesale and retail trade, and repair of motorcycles and vehicles, at iba pang service activities.
Mga underemployed, bumaba sa 5.44-M Pilipino
Bumaba rin ang underemployment rate sa 11.2% nitong Marso mula 12.9% noong Pebrero, at mula 15.8% noong March 2022.
Sinabi ni Mapa na ang Marso ang may pinakamababang underemployment rate mula noong April 2005.
“Because of this hiring ng private firms and private households in particular ‘yung mga private establishments, doon din nanggaling yung pagbaba ng underemployed. What we can surmise is that marami dito mga fulltime jobs ang hinahire ng private establishment,” pagtatapos ni Mapa.