Bilang ng mga turista sa Bohol, umabot na sa higit 220-k –DOT

Bilang ng mga turista sa Bohol, umabot na sa higit 220-k –DOT

PUMALO na sa higit 220,000 na mga turista ang naitala sa Bohol ayon sa Department of Tourism (DOT) as of September 30.

24% ang itinaas nito kumpara noong 2021 at 2020.

Tiniyak ng DOT na patuloy silang gumagawa ng hakbang upang maitaas pa ang bilang ng mga turista na bibisita sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga mahahalagang imprastraktura.

Kamakailan ay isinagawa ng DOT sa pangnguna ni Sec. Christina Farcia-Frasco ang pagpapatayo ng ikaapat na Tourist Rest Area sa Dauis, Bohol.

Sinabi ng DOT na ang mga nasabing pasilidad ay seserbisyuhan ang mga turista na nangangailangan ng accommodation, information, safety at security.

Ang bawat tourist rest area ay mayroong pasalubong center na magtatampok ng mga produktong lokal.

Follow SMNI NEWS in Twitter