BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga walang trabaho o walang negosyo sa 2.17-M nitong Mayo mula 2.26-M nitong Abril 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang nasabing unemployment rate ay ‘second lowest’ mula noong Abril 2005, kasunod ng 4.2% unemployment rate noong Nobyembre 2022.
Samantala, tumaas naman ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho sa higit 48.26-M.
Ito ay mas mataas kumpara sa 2.28-M na may trabaho sa kaparehong buwan nakaraang taon at bahagyang mataas kumpara sa 48.6-M noong Abril 2023.
Ayon sa PSA, may pagtaas sa bilang ng may trabaho sa agriculture at forestry, accommodation and food service activities, ibang service activities at sa fishing and aquaculture.