NAGSAGAWA ng isang formal bilateral meeting sina Philippine Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro, Jr. at US Defense Secretary Lloyd Austin kasabay ng 21st International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue nitong Sabado.
Ang nasabing bilateral meeting ay upang pag-usapan kung ano ang naging progreso ng dalawang bansa matapos ang ginawang SQUAD meeting sa Hawaii.
Sa kaniyang talumpati sa ginanap na New Convergence in the Indo-Pacific, ipinunto ni Secretary Austin na ang kinakaharap na harassment ng Pilipinas mula sa China ay lubhang mapanganib.
Ibinahagi rin ni Secretary Teodoro ang patuloy na pagsisikap ng Department of National Defense na mapalago ang kakayahan ng Pilipinas kaugnay sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).
At inihayag din nito ang importansiya ng paghahanap ng ibang paraan upang higit na palalimin at pagbutihin ang alyansa ng dalawang bansa, lalo na sa cybersecurity, pagbabahagi ng impormasyon, at sa iba pang larangan.