BIR, muling nagpaalala sa papalapit na deadline ng VAT return

BIR, muling nagpaalala sa papalapit na deadline ng VAT return

MULING nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pangunguna ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. sa papalapit na deadline ng pagbabayad ng first quarter value-added tax (VAT) return.

Sa kaniyang naging pahayag, sinabi ni Lumagui na walang nakikita ang ahensiya na dahilan para hindi maka-comply ang mga taxpayers dahil aniya Enero pa lang ng taong ito nang nagpalabas ang BIR ng paalala.

Pinaalala rin nito na malaki ang ginagampanan ng VAT sa ating ekonomiya at sa mga pangunahing proyekto ng ating pamahalaan kaya hinihikayat niya ang publiko na magbayad ng wastong VAT sa Abril 25, 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter