NAGHAIN na ng isang petisyon ang Office of the Solicitor General (OSG) at ninanais nito ang kanselasyon ng birth certificate ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Nakaangkla ang petisyon sa kabiguan ni Guo na mag-comply sa legal requirements para sa late birth registration.
Sa isang Tarlac City Regional Trial Court ito inihain ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra.
Samantala, noong July 5 ay sinimulan na ng Department of Justice ang preliminary investigation sa human trafficking complaint laban kay Guo at labing tatlong iba pa.