Biyahe ng PAL sa Taiwan, balik normal na

Biyahe ng PAL sa Taiwan, balik normal na

INANUNSYO ng Philippine Airlines (PAL) na balik sa dating ruta ang flight mula at patungong Taipei, Taiwan matapos ang apat na araw na airspace restrictions.

Sa panayam sinabi ni  PAL spokesperson Cielo Villaluna isinara ng Civil Aviation Authority (CAA) ng Taiwan ang isang portion ng airspace kung saan isinagawa ng China ang military exercise.

Ayon kay Villaluna, sa inilabas na notice to airman (NOTAM) ng CAAP mula Agosto  4-7 ay nagpapatuloy pa rin aniya ang rerouting flight ng PAL patungong Taipei at pabalik ng Manila.

Ngayon balik na sa dating ruta ang airspace ng Taiwan ay patuloy na susubaybayan ng PAL ang sitwasyon ng Taipei at magsasagawa ng mga pagsasaayos sa mga operasyon nito kung kinakailangan.

Sa ngayon ay nanatili pa rin ang tatlong flight ng Philippine Airlines ng Huwebes, Biyernes at Sabado mula Manila patungong Taipei at pabalik ng Manila.

Una na ring sinabi ni Manila Economic Cultural office Chairman Atty. Silvestre Bello III na maging ang  deployment ng OFW patungong Taiwan ay nagpapatuloy.

Ang problema lamang dito ay ang matagal na araw na pagsasailalim sa health protocols.

Follow SMNI News on Twitter