“Blue Room”, panalo sa 19th LA Femme Film Fest

“Blue Room”, panalo sa 19th LA Femme Film Fest

PANALO sa 19th edition ng Los Angeles Femme International Film Festival ang pelikulang Pinoy na may pamagat na “Blue Room”.

Ito ang kauna-unahang pelikulang Pinoy na nanalo sa nabanggit na film festival na binuo para sa mga pelikulang gawa ng mga kababaihan.

Sa direksiyon ni Ma-An Asuncion-Dagñalan, bida sa “Bue Room” sina Elijah Canlas, Juan Karlos, Harvey Bautista, Nourijune, at Keoni Jin.

Kuwento ito tungkol sa isang rock band na binubuo ng mayayamang teenagers na naaresto dahil sa illegal drug possession.

Ang “Blue Room” ay tawag sa VIP detention area kung saan dinala ang teenagers.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter