2 pelikulang Pinoy, nanalo sa Bangkok Film Fest

2 pelikulang Pinoy, nanalo sa Bangkok Film Fest

NANALO ng awards mula sa 8th Bangkok ASEAN Film Festival ang dalawang pelikulang Pilipino.

Nasungkit ng pelikulang “The Boy and the Fight of Spiders” ang Southeast Asian Project Pitch (SEAPitch Award).

Maliban sa trophy ay may cash prize rin ito na halos 270-K pesos.

Ang pangalawa ay ang pelikulang “Rookie” kung saan nasungkit nito ang special mention award.

May cash prize rin ito na 108-K pesos.

Isinagawa ang Bangkok ASEAN Film Festival noong January 25, 2023 sa SF World Cinema, Central World, Bangkok, Thailand.

Follow SMNI NEWS in Twitter