BlueFloat Energy ng Spain, magtatayo ng 7.6-k megawatts wind power project sa bansa

BlueFloat Energy ng Spain, magtatayo ng 7.6-k megawatts wind power project sa bansa

PLANO ng Madrid-based BlueFloat Energy ang pagkakaroon ng 7.6-k megawatt offshore wind power projects sa Pilipinas.

Ayon sa BlueFloat Energy, ito ang kanilang magiging pinakamalaking wind project kung ikukumpara sa kanilang ginawa sa Australia Italy, Scotland, Colombia, Wales and England, New Zealand, Spain, Taiwan at iba pa.

Ang magiging lokasyon ng wind power projects ay sa North, Central at South Luzon kasama na ang South Mindoro.

Taong 2021 pa nang tinitingnan ng BlueFloat ang pagkakaroon ng wind power projects sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter