Bolsonaro, nais makakuha ng 6-month visa upang manatili sa US

Bolsonaro, nais makakuha ng 6-month visa upang manatili sa US

NAIS ng dating presidente ng Brazil na si Jair Bolsonaro na makakuha ng 6-month visa upang manatili sa United States.

Si Bolsonaro ay kasalukuyang nakasailalim sa imbestigasyon dahil sa pagsugod ng mga taga-suporta nito sa mga gusali ng pamahalaan.

Ayon sa AG Immigration Group na rumerepresenta kay Bolsonaro, humiling ito ng 6-month visa upang manatili sa United States.

Matatandaan lumipad ang dating lider ng Brazil patungong Florida noong nakaraang Disyembre matapos ang kanyang termino imbes na hintayin ang inagurasyon ng kanyang leftist successor na si President Luiz Inacio Lula da Silva.

Follow SMNI NEWS in Twitter