AABOT sa 41 na mga demokratikong mambabatas ang patuloy na nanawagan kay United States President Joe Biden na bawiin ang visa ng dating pangulo ng Brazil na si Jair Bolsonaro, na nagsasabing hindi dapat mag-alok ng refuge ang Estados Unidos sa sinumang sangkot sa mga kaguluhan laban sa bagong halal na mamumuno sa Brazil.
Matatandaan, lumipad si Bolsonaro sa Florida noong Enero 1 upang dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva at gumawa ng walang basehang mga paratang tungkol sa integridad ng mga halalan noong buwan ng Oktubre. nanawagan
Kaya naman ang mga rioters supportive ni Bolsonaro noong Linggo ay dumagsa sa Brazil, at sinira ang Palasyo ng Pangulo at iba pang mga institusyon, na nakahawig naman sa pag-atake noong January 6, 2021 sa kapitolyo ng United States.
Giit pa ni Secretary of State Antony Blinken, sa ngayon ay hindi pa nakatanggap ng anumang mga kahilingan mula sa brazil ngunit tutugon ito ng mabilis kung ano ang nararapat na gawin ng kanilang gobyerno.
